Ayon kay Philip Broso: "may kasabihan ang iba na "TO SEE IS TO BELIEVE".. e nakikita ba ng tao ang iniisip ng kapwa nila? ung mga tao na ayaw maniwala na may Dios, mamamatay na lang, "to see is to believe" pa rin."
Kung ating babasahin at iintindihin, ang may akda po ay kinukumpara ang dios sa isipan. Ayon sa may akda, lumilitaw, base sa kanyang hinain na argumento: kung hindi nakikita ang isip eh... parang dios din yan.
Teka? Isip? Dios? Mukhang naguguluhan ata ang may akda.
Ano nga ba ang isip? Kung ating imumungkahi sa diksyunaryo, ang isip ay 1.) Ang ating intelektual. 2.) Kamalayan 3.) pag-iisip
Hmmm... kung ating pag mumuni-munihan ang mga naibigay na kahulugan, lumalabas na ang isip ay isang abstraktong pangngalan. Isang pangngalan basal.
May mga uri ang pangngalan (noun) na batay sa gamit: Tahas o kaya Basal (hindi ko na po sinama ang Lansak, Hango, Patalinhaga at Denominasyon). Dito na lang po tayo sa Tahas at sa Basal.
Sinasabi ang pangalan ay Tahas kung ito po ay dumadaan sa ating sintido (paningin, pandinig, panlasa, pakiramdam at pang-amoy) at may katangiang pisikal.
Sinasabi naman na ito ay Basal kung tumutukoy sa mga kaisipan o konsepto na hindi nararanasan ng limang pandamdam at walang pisikal na katangian. Nasa anyong payak ang lahat ng pangngalan basal. Halimbawa: wika, yaman, buhay.
Ang "isip" ay isang halimbawa ng pangngalan na basal.
Kung susundin ko ang argumento, lalabas na ang dios ni Mr. Broso ay isang konsepto ng kaisipan lamang. Isang pangngalan basal. smile emoticon Sa mga teolohiya na pag-aaral, ang diyos ay isang persona (person), may porma (form) at anyo (image). Kung babatayan ko ang argumento ni Mr. Broso, lalabas na sasalungat ito sa ideya patungkol sa diyos.
Pangalawa: Dahil ang isip ay isang halimbawa ng pangngalan basal, kailangan ito ay uugnay sa isang pangngalan tahas. Halimbawa, ang yaman ay tutukoy sa pera, tao, bayan... Hindi pwedeng tumayo ang salitang yaman na mag-isa lang. Yaman ng ano? Ganoon din po ang isip. Bakit nga ba may isip? Ano po ang dahilan ng isipan? Diba po eh may materyal na kaugnay ang salitang isip o isipan?
Papaano ang dios ni Mr. Broso? Sya po ba ay isang kathang-isip lamang na kailangan ng materya na bagay para umiral? Wag nyo akong sisihin dahil hindi po ako ang natulad sa dios sa isipan.
Sana po ay naunawaan nyo ang maling pagkakatulad sa dios at isip. Sabi nga, mag-isip po munang mabuti bago mag lagay ng paksa. Think before you post.
No comments:
Post a Comment