Ignorance is not an argument, and what good example is this rant from a certain Vivencio Baribar Jr. Ok… it’s not worth it but, I find it funny. So, since this was written in Tagalog. Oh well…
Dahil daw naniniwala ang mga atheista na sa unggoy (?) nag-mula ang tao, pag-namatay daw eh ilalagay daw ang katawan sa puno o kahoy at doon mabubulok.
Ayon pala kay Mr. Baribar Jr. ang unggoy pag namamatay eh sa puno nakalagay. Hindi nahuhulog ang unggoy sa puno pag namamatay? Ewan ko sa kanya, pero sa totoo lang eh nakakatawa ito kung iisipin. Ayon pa kay Mr. Baribar Jr. ang paniniwala daw ng mga atheista eh ang tao ay mula sa unggoy kaya ang isang unggoy (na kadulad daw ng mga atheista) ay namatay, saan din daw ba ito babalik?
Una, mas maganda na sugurong maging isang unggoy kaysa maging isang Vivencio Baribar Jr. (no puns intended) dahil sa aking nabasa eh mukhang mas matalino pa ang unggoy kaysa mga sinasaysay dito ni Baribar Jr.
Pangalawa, dahil sa kakulangan ng karunungang Agham (at dahil puro lang Bible ang binabasa) makikita natin ang pagkakamali ni Mr. Vivencio Baribar Jr. - Wala pong atheista na naniniwala na galing sa unggoy ang tao. Ang tao at unggoy ay galing sa iisang ninuno. Kulang lang talaga sa pananaliksik si Mr. Baribar Jr.
Ngayon, sa totoo lang po eh lumalabas na naniniwala pala si Baribar Jr. na ang tao eh galing sa lupa. Teka? Diba po ang mga Kristiano ay hindi naniniwala sa abiogenesis? Kung ang tao eh galing sa lupa, ayon kay Baribar Jr. eh ito po ay isang halimbawa ng paniniwala sa abiogenesis: na ang buhay ay galing sa mga walang buhay – na ang uod at palaka ay galing sa putik, na ang mga kuto ay galing sa alikabok.
Isa pang nakakatuwa dito eh ang maling lohika ni Vivencio Baribar Jr.
Ayon kay Baribar Jr. “Dahil daw naniniwala ang mga atheista na sa unggoy nag-mula ang tao, pag-namatay daw eh ilalagay daw ang katawan sa puno o kahoy at doon mabubulok.”
Kung sakyan natin ang kanyang lohika eh di dapat pala na kapag namatay na si Vivencio Baribar Jr. eh dahil naniniwala sya na sa lupa sya galing, dapat ilagay sya sa dustpan diretso sa basurahan o sa paso kasi sya po ay galing sa dirt – lupa sa paso? Isa pa, kung sasakyan ko ang kwento ang Bible na pinag-kukunan nya ng kanyang kaalaman: Ginawa ng diyos nya ang hayop bago sa tao, at ang tao eh hanggo sa lupa – lupa na dinumihan, inihian, sinukahan na ng mga hayop – samakatuwid, si Vivencio Balibar Jr. pala, sampu ng kanyang mga kamag-anak, asawa, mga anak, mga magulang, at mga ninuno ay galing sa maduming lupa (bato-bato sa langit, ang tamaan ay pikon).
Ang tao po ay hindi galing sa lupa. Maraming mga mito na nagsasaad ng pinanggalingan ng tao. Kung tutuusin, sa ating sariling mito (Philippine mythology), tayo ay galing sa loob ng malinis na kawayan. Sa Norse mythology naman, ang tao eh ginawa ni Thor sa pamamagitan ng pag-ukit ng kahoy.
Sa agham, sinasabi na ang ating katawan ay gawa ng iba’t ibang elemento kagaya ng calcium, phosphorus, sodium, magnesium, at iron, mga iba’t ibang protina, enzymes, lipids, at tubig. Kaya kung mamatay ka, ang mga ito ay magkakahiwalay-hiwalay. Kung tutuusin, lahat ng buhay ay “matutunaw” pag namatay – tanim, puno, kagaw, manok at kahit unggoy at si Mr. Baribar Jr.
Ito po ba ay magiging lupa kagaya ng paniniwala ni Mr. Baribar?
Hindi naman lahat ng uri ng lupa ay kagaya ng komposisyon ng tao at hindi din lahat ng namatay ay nagiging lupa. May mga namamatay na nagiging sabon, hindi lupa – ang tawag po dito eh Adipocere - nagiging parang sabon o kandila ang bangkay. Mayroon ding tinatawag na mummification kung saan ang bangkay ay nagiging parang matigas na balat. Ang iba namang bangkay ay nagiging tubig. Ito yung tinatawag na liqufication.
Isaiah 66:16
Ginamit din ni Mr. Baribar Jr. ang Isaiah 66:16. Ano po ba ng nakasaad dito?
Sapagka't sa pamamagitan ng apoy makikipagpunyagi ang Panginoon, at sa pamamagitan ng kaniyang tabak, sa lahat ng mga tao: at ang mapapatay ng Panginoon ay magiging marami.
Ano ba ng ginanda ng sinasabi ng berso na ito? Wala po itong mainam na mensahe para may matutunan tayo. Ang isang bagay lang na sinasabi dito ay si Mr. Baribar Jr. ay sumasampalataya sa isang barbarong, walang ginawang tama kung hindi pumatay ng tao.
*****
Mag-ingat sa pag latag ng argumento lalo na kung ang argumento mo ay galing sa iyong pagiging ignorante at baka magulat ka na lang na humampas ang sarili mong argumento sa mukha mo, at yan ay hindi naituro ng diyos ni Vivencio Baribar Jr.
References:
New Larousse Encyclopedia Of Mythology
Forensic Pathology- Causes of Death Atlas Series - Time of Death, Decomposition and Identification
The Magic of Reality--How We Know What's Really True
Encyclopedia Britannica
The Bible In Basic English / King James Version / New International Version
No comments:
Post a Comment