Alinsunod sa paskil, may pitong (7) rason kung bakit wala raw diyos, ayon sa mga ateista:
1.) Maraming namamatay na inosente
2.) Mga kalamidad
3.) Kaya nabuo ang katagang Diyos dahil takut ang tao mamatay
4.) Dahil sa Political nuon ginagamit ang religion upang ko trolinin ang mga tao
5.) Kaya nabuo ang katagang Diyos dahil sa mga taong ng uuto at pinipirahan ang mg tao
6.) Dahil ganagamit ang Religion sa panakop at higit sa lahat
7.) Hindi daw kamu makita ang Diyos kaya walang Diyos
Ayon kay Lhordz, ito daw ang mga “sikat” na dahilan. Teka… sikat? Wala naming sapat na impormasyon na naibigay si Llordz tungkol sa kanyang “pitong rason” at wala namang syang ibinigay na pook-sapot na magpapatunay sa kanyang listahan kaya aking ipapalagay na ito’y kanya lang haka-haka.
Atin na lang tanggapin ito kahit walang pag-amin para na lang may pagsa tayong mapag-usapan.
Sa lahat ng pitong dahilan na nakalista sa paksa ni Lhordz Aizen, isa lang ang kanyang naging sagot: TUNGUHIN o LAYUNIN.
Ayon kay Lhordz Aizen, “kung mag sasabi kang walang Diyos eh walang PURPOSE diba dahil ang katagang purpose na buo dahil may taong gumawa diba?”
Teka? Diba po ang pinag-uusapan dito, diyos o kataga?
Ang isang “kataga” ay ginagamit upang ilarawan ang isang bagay o upang ipahayag ang isang konsepto, lalo na sa isang partikular na uri ng wika o sangay ng pag-aaral. Ibig sabihin, ang kataga ay ginawa ng tao para maipaliwanag ang isang bagay, sapataha – at ano ang ibig sabihin nito? Ibig sabihin na ang isang “kataga” ay iiral lang kung may tao na umiiral na mag-iisip nito. Kung gayon, sinasabi ba ni Lhordz na ang kanyang diyos ay umiiral lang kung may taong mag-iisip nito?
Kunin natin ang kanyang halimbawa sa larong basketball.
Ayon sa salaysay ng karakter ni Lhordz, kaya daw sya nag-iinsayo sa basketball para manalo sya sa liga. Yun ang kanyang layunin sa kanyang pag-iinsayo. Teka? Parang malayo ang halimbawa.
Layunin sa Buhay
Ang salitang “layunin” ay naraming ibig sabihin. Yan suguro ang ganda ng wikang Pilipino. Pag sinabing "purpose" base sa kwento ni Lhordz sa basketball, masasabi nating ito ang layunin ng naglalaro – ang maging magaling sa liga. Pwede nating sabihin na ito ang kanyang hangad, o intensyon. Eh papaano naman ang salitang “Kung hindi umiiral ang Diyos, ang buhay ay walang layunin?”
Sabi ng kilalang pilosopong Kristiano na si William Lane Craig, “Kung walang Diyos, tulad ng mga bilanggo nahatulan sa kamatayan, hihintayin na lang natin ang hindi maiiwasan pagbitay. Kung walang Diyos, at walang imortalidad, ano ang kalalabasan ng mga ito? Ito ay nangangahulugan na ang buhay mismo ay walang katotohanan. Ito ay nangangahulugan na ang walang panghuling kabuluhan, halaga, o layunin.”
Tama nga ba?
Bweno, magiging tama nga lang ito kung maniniwala ka na ang buhay mo ay nag-aantay ng tinatawag na kabilang-buhay kung saan lahat ng iyong kilos at galaw sa mundong ito ay nababatay lang sa gantimpala o parusa na makukuha mo sa kabilang-buhay. Sa makatuwid, sa paniniwala ng mga Kristiano, ang layunin mo sa buhay ay para sa kabilang-buhay.
Pero… maiiba tayo ng direksyon. Ang aking komento ay nababatay lang sa paskil ni Lhordz.
Ayon kay Lhordz, “ngayun ito'y malinaw na ngayun at ngayu'y tanungin natin ang ating sarili kung walang Diyos walang purpose at kung walang purpose walang Diyos eh ang tanong bakit tayu mirong mata?.. kung ito ay hindi ginawa ng Diyos ibig sabihin wala itong PURPOSE diba?.. ang tanong wala bang PURPOSE ANG MATA OO o HINDI?.. siyempre miron diba?.. kung walang PURPOSE ANG MATA TANGALIN MO NA ANG IYUNG MATA NGAYUN MISMO TIGNAN NALANG NATIN KUNG WALA ITONG PURPOSE DIBA?.. KASI MAY MATA KA PARA MAKAKITA KA dahil ang mga bagayx2 may DAHILAN at ang MATA MO MAY PURPOSE AT YUN AY PARA GAMITIN MO PARA MAKAKITA KA DIBA KUNG WLANG PURPOSE AT TYAMBA LANG ANG LAHAT EH BAKIT MIRON KAYUNG MATA DIBA?.. “
Pagpasensyahan na natin ang sulat ni Lhordz kung medyo napakahirap intindihin, pero aking ipapalagay na ang gustong sabihin ni Lhrodz ay dahil may mata tayo eh may layunin ang mata – at yun ay para makakita. Samakatuwid, may diyos.
Problema dito eh kung bakit ipinalagay na ni Lhordz na diyos ang may akda ng mata?
Ako ngayon ay gumagamit ng isang komputer at ang komputer na ito ay ginawa ni Konrad Zuse para gamitin ni Jose Juan C. Paraiso – teka, tama nga ba? Maaapektuhan nga ba ang layunin ng komputer kung hindi ito na-imbento ni Konrad Zuse at iba ang makagawa at hindi si Jose Juan C. Paraiso ang gagamit nito?
Hindi wasto ang argumento. Una, walang magiging bago sa layunin ng mata base sa gumawa nito. Pwede nating sabihin na ang mga mata ay ginawa ni Tarpulano at ang layunin nito eh para ako makakita. Sa madaling salita, ang layunin ng mata mo ay hindi maaapektuhan kahit na hindi ito ginawa sa pamamagitan ng isang diyos.
Pangalawa, ang argumento ni Lhordz ay walang pinatunayan dahil ating tatandaan na ang kanyang argumento ay para magpatunay na may diyos. Sa kanyang argumento tungkol sa mata, kanya ng ipinasok ang diyos bilang taga-gawa ng mata - isang bagay na kanyang kailangan pang patunayang na umiiral.
Kaya suguro ang masasabi ko ay medyo sumablay at nabigo si Lhordz Aizen sa kanyang pakay na para mapatunayan sa mga ateo na mayroon diyos na umiiral. Kulang sa sustansya ang mga argumento na kanyang inihain at sa totoo lang po, hindi rin nya nasagot ang pitong (7) “dahilan para maging ateo ang isang tao,” isang bagay na sya rin mismo ang nagsabi.
Hanggang sa susunod.
No comments:
Post a Comment